TRUE TO LIFE SORRY
"I love the way that I dont need to Lie"
Wednesday, 22 January 2014
Isang magandang umaga at long time no blog.
Pasensya sa aking sarili dahil hindi ko man lang nabigyan ng panahon ang muling pagbablog. Hindi ko alam kung bakit. Minsan tinatamad o most of the time, nasa trabaho o tulog. Tamad na rin ako mag bukas ng laptop dahil wala na kong internet sa bahay at mas ginugusto kong gamitin ang cellphone na hindi ko naman magagamit sa blog.
Sandali at babasahin ko muna yung huling post ko para alam ko kung ano ang itutuloy ko.. (As if naman may nagbabasa nitong blog na to.. LOL)
Well, naisipan ko na magblog uli dahil na rin sa nararamdaman ko ngayon.. Ang lagay e, magbablog lang ako pag may problema? wag ganon!.. pero dahil sa huling post ko na dadalawa lang naman, nakwento ko na kung sino ako at ano ang kinalakihan kong pamilya o kamag-anak pati ang pag-aaral ko.. So ngayon, kekwento ko na ang naging buhay pag-ibig ko.. nakanang!.. pag-ibig sa tinubuang lupa..
Pano ba nagsimula tong lintsak na pag-ibig na to... Well, dahil sa pinagdaanan ko nung bata ako, naging strong personality ako to the point na para akong tomboy.. Hindi kasi ako naglalaro ng barbie o bahay bahayan.. Gusto ko ng laruan bola, sipa, dampa, mga garter garter etc.. siguro late bloomer ako at magha-highscool na ata ako nakahawak ng barbie.. Naputol ko pa nga yung ulo ng barbie ng bestfriend ko.. wahaha..
Well, ayun!.. pero nagkakacrush ako.. una kong crush ay itatago natin sa pangalang: HARRY..
(kamuka niya kasi si harry potter.. ang gwapo diba? taas ng standard ng lola niyo).. Marami nagkakacrush sakniya. Nakilala ko siya dahil pamangkin siya nung teacher ng mga kababata ko. Nagkacrush ako sakaniya dahil ang ganda ganda din ng boses niya. Matalino, magaling mag-english at yun nga ang cute cute.. Pero syempre puppy love (background music: and they call it..... PUPPY LAAAAAAAHAAAAB).. Lagi kami nagduduet non pag kumakanta tapos lagi namin kinakanta GREATEST LOVE OF ALL.. Tapos lagi kami nagtetelebabad.. haha.. tawag niya sakin LUVZ.. (nakanang LUVZ.. ang swet parang swet glands lang ang drama diba?) Kala ko first love ko yun.. first puppy love lang pala.. Dahil gwapo siya, babaero kaya un! nagseprate kami kasi may iba na siang nagustuhan.. Saka mayaman siya e.. SO aun!.. dedmakels..
Tapos maaga ako naglandi.. 1st year highschool ako, nahilig ako sa chat chat, saka sa text text.. I met this guy.. Lets name him: OONGAZ.. nickname niya lang yun. College na siya non at siya talga yung naging labidabs ko.. as in physical Boyfriend.. June 2 naging kami.. (O diba tanda ko pa?) LOlz.. Cute sia, chubby, mayaman din, matalino saka mabait.. Malambing din pero dahil ilang taon yung tanda niya sakin, maalam na siya sa buhay. Siya yung first kiss ko.. (ayiiii!) Madalas kami nagkikita non at nanonood kami ng sine.. Ang tyaga ng ungas na yon.. Taga Manila siya at every weekend pupuntahan niya ko sa Cavite para lang magdate kami tapos lagi siya may dalang stuff toy.. My friends like him kasi mabait at pati sila nililibre.. Number 1 fan ko siya dati kasi lagi niya ko sinusuportahan sa pagkanta ko.. Madalas kasi ako kumanta sa mga videoke sa malls.. ganon kakapal ang fezLak ko.. hahaha.. Ok naman kami. I feel loved at hindi naman siya mahilig sa babae.. Di siya babaero pero Mama's boy siya. Ako ang nakipagbreak sakniya dahil sa mababaw na dahilan.. Nagdate kasi kami non sa Megamall tapos sabi niya ihahatid niya ko pauwi sa Cavite kasi takot ako bumyahe non.. Pero nagtext yung Mama niya kaya yun! Hinatid niya ko sa sakayan lang. Pag uwi ko, tak tak tak tak sa celfone! BREAK!.. HAHAHA.. Ang saya diba? Muntanga lang..
Pero keri lang.. Busy din ako sa school non.. maaga ako lumandi pero matataas pa rin grades ko.. At pagkatapos non, I didnt expect that someone will come into my life and will change my World.. I met this guy thru text din.. textmate, friends, clans, mutual friends, eyeball, meet ups and all those stuff.. So lets call him: AW... pareho kami ng age at I wont forget him.. Siya siguro yung kinconsider ko na FIRST LOVE NEVER DIES. Hewan ko.. drama rama lang ang peg.. Well, ayun nga.. highschool palang kami, magkaibigan na kami till nagdate na kami. Si AW matangkad, chubby, mabait, maloko, mahilig magjoke, matalino din, mayaman din siya at higit sa lahat malambing. Sobrang sweet at laging ako yung naiisip niya sa lahat ng pagkakataon.. He was prioritizing me than to his family. He was a good boyfriend and somehow a bad one too.. Babaero din kasi siya at mahilig sumama sa barkada, uminom, gumala at magparty. Na hindi ko naman nakalakihan kaya ayun! madalas kami nag-aaway.. Kung pagiging boyfriend ang pag uusapan, Okay naman siya. Palagi siang nandon para tulungan, alalayan, damayan at mahalin ako. No question about it pero yun nga lang, hindi lahat ng relasyon perfect.. During that time, I thought na siya na ung makakasama ko habang buhay. Kasi marami siang sinacrifice sakin. Yung Singapore trip niya na tumaon ng Anniversary namin na pinili niyang makasama ako. At yung pag aaral nia. Para makasama niya ko, sumunod siya sa Course ko at sa School na pinasukan ko.
To cut the story short, our relationship ended after 5 and haf good years.. Reason? Third party on his side of cors.. I never cheat.. And I dont wanna do it.. I was so down and devastated. Parang hindi ko alam pano ako magmomove on. Nasanay ako na kasama siya, nasanay ako na lagi siang nagtetext, tumatawag at nag-aalala sakin. Kahit gago siya non, he will never forget his responsibilities as a boyfriend..
Dahil emo-emohan ang peg ko non,I worked hard for myself and for my family. All throughout the years, wala naman akong ibang naisip kung hindi siya. Pero dahil sakniya, natuto ako magpursige para ipamuka sakniya na yung taong iniwan niiya aangat pa sakniya. Hanggang sa mapromote ako.. :) I felt so lucky and happy but not contented. Because at the end of the day, before I go to sleep, I will always think of him.. And I didnt notice that I was like that for 3years. Hirap ako magmove on non grabe!.. drama dramahan palagi lalo pag Valentines.. echusera ang peg!
So aun, till I met this recent guy.. OO recent kasi eto na yung lablayp ko naun.. I will call him GEN. Hes different among the rest. Hes reserved, observant, di siya sweet pero cute siya muka siyang koreano e. Nagkacrush ako sakniya kasi magaling din siya kumanta at musically inclined. Matalino at may sense kausap. Pero yun nga lang, tahimik siya. At hindi siya sweet...
TO BE CONTINUED...
Wednesday, 8 August 2012
AKO AT ANG AKING NAKARAAN
sisimulan ko na ang blog na ito.. (ACTUALLY, nasimulan ko na.. kaya lang, ung original na blog na ginawa nung July 21,2012--piggyb1825.blogspot.com, nakalimutan ko ang log in info kaya i needed to create one.. haist.. memorygap!)
Akin nang isisiwalat ang tunay kong pagkatao.. :D
Nagtatago ako sa isang pangalan dahil mula noon, hanggang ngayon, kilala akong isang "goodgurl".. Proud akong sabihin yun.. masarap pakinggan at sabihin pero mahirap gampanan..
Marami akong napagdaanan nung bata ako.. Mahirap lang kami at salat sa mga materyal na bagay.. Sadyang masipag at responsable lang ang tatay ko kaya nakakaraos kami noon sa pang-araw-araw na buhay.. Masasabi kong nakakakain naman kami ng masarap paminsan minsan.. Pag may okasyon saka pag may award ako sa school.
Hindi naging sagabal o dahilan ang pagiging mahirap namin. Sa kabila ng lahat, nakakapag-aral kami: Ako at ang ate ko.. Hindi lang kami normal na estudyante kung hindi matatalino kaming bata.. Lagi kaming nasa section 1 lalo na ko.. At lagi akong 1st honor. dahil mga bata palang kami noon,naging mtyaga sa pagtuturo ang tatay ko.. I was 2 when I learned how to write my name.. I was 3-4 when I learned how to read tagalog and english and I learned how to read time. Kaya bago pa ko mag-aral, advance na ko sa mga classmates ko.. Naalala ko pa nga, nung grade 1 ako, inassigned ako ng teacher ko na magturo sa mga classmate kong hindi pa marunong magbasa. May reading session after class at ako ang mini-tutor nung time na yun.
Grade 1 palang ako, sinasali na ko sa mga kung ano anong quiz bee at declamation.. Madali kasi akong magmemorize dahil bata pa nga lang ako, sinasanay na ko ng tatay ko. Naging motivation ko rin kasi ung pagka nagkaron ako ng star sa mga quiz, may piso ako mula sa tatay ko.. Kaya naging mtyaga ako sa pag-aaral..
Dati pa naalala ko, pagnasali ako sa mga quiz bee tapos nananalo ako, nakalagay ung pangalan ko sa tarpaulin na malaki na sinasabit sa labas ng school. Kaya nung panahon ko, kilala ako sa lugar namin. Dahil humahakot ako ng mga medals..
Pero sa kabila ng lahat ng yon, api ako.. Sa mga magpipinsan, ako ang pinakabibo pero ako ang nakaranas ng pang-aapi.. Sabi kasi ng mga lola ko, ako ang pinaka-PANGIT sa magpipinsan.. kaya lang daw ako honor kasi sipsip ako.. May nagsasabi pa na ampon ako. (kahit na super kamuka ko nanay ko).. Mahilig ako kumanta nung bata ako.. Pero sinasabi nila na boses palaka ako..SInasabi pa ng iba kong mga lola, hindi daw ako makakatapos nang pag-aaral kasi daw mag-aasawa ako agad.. Lagi kami kinukumpara ng ate ko.. Yung ate ko kasi mahaba ang buhok,buo ang ipin,tahimik at lagi lang nasa loob ng bahay.Samantalang ako, maliit, mataba, singkit ang mata, bungi bungi ang ipin,maiksi ang buhok na parang lalake saka lagi ako nasa kalye at naglalaro.. Pag may lumang damit ung mga tita ko o mga pinsan kong babae, sasabihin nila na ibigay sakin para may maganda naman akong damit. Tapos pag suot ko na, sasabihin nila hindi bagay at kahit damitan ako ng mamahalin, PANGET pa rin ako. Pagpasko at bagong taon, ako ang laging left out/outcast. Kasi ung mga pinsan kong lalake, mga gwapo.. Tapos si ate favorite ng mga lola ko at ng mga tita ko.. Ako, tanging lola ng nanay ko at tita ko na kapatid ng nanay ko ang tagapagtanggol ko.. (syempre pati nanay ko)..
Hanggang sa lumipat kami ng Cavite na pamilya.. Nakaalis ako sa mga malulupit na pang-aapi ng mga kamag-anak ko. Kahit Lumipat kami, at ako ng school, lagi pa rin akong honor.. At patuloy pa rin akong nag-aaral bilang ganti sa sipag at tyaga ng tatay ko.. Pero unti-unti, nahihirapan na ko.. Lagi ko iniisip non, masyadong mataas ang expectations sakin ng pamilya ko.. Gusto ko maging normal na estudyante na hindi pressure sa mga exam at ayoko na parang may nakikipagkompetensya (2nd honor).. Kaya unti-unti, nag-adjust ako ng sarili ko.. bumaba ako ng bumaba sa honor hanggang sa naggrade 6 ako, nawala na ko sa honor.. Masaya ako non kasi hindi ko kailangan makipagkumpetensya.. sakto lang ung grades ko at hindi nakakastressed pag may mali ako sa exam.. Pero dahil mataas ang expectations ng tatay ko, alam nia na gumraduate akong may honor.. Hindi nia masyadong napapansin non kasi bihira sia umuwi samin.. Dahil nagttrabaho sia.. pero ung ermats ko, alam lahat ng nararamdaman ko.. SObrang baet ng mom ko.. Kaya noon pa man, kakampi ko na siya sa lahat ng kalokohan ko..
Hanggang sa naghighschool ako.. unang tapak ko ng highschool, 1st quarter, honor na naman ako.. Npressure na naman ako.. hanggang sa naging relaks nalang ako at unti unti kinakain na ko ng pagbagsak sa honor list.. Pero hindi ako apektado.. Masaya nga e.. Pero kahit wala ako sa honor, matataas ang grades ko.. Lagi pa rin ako nasa section 1 at hindi bumababa ng 85 ang grades ko.. Ok na yun para sakin. Sabi kasi ng ate ko, sa college daw, hindi naman masyadong kina-count ang grades mo nung highschool.. Para daw start all over again ang drama..
Hanggang sa nagcollege ako.. Scholar ako ng isang private school kaya konti lang binabayaran ko.. Dean's lister din ako kasi college ako nagpursige sa pag-aaral dahil sa totoo lang, lahat ng pagrelaks relaks ko nung elementary at highschool, pinagsisihan ko.. Narealize ko na iba pa rin yung may pinagmamalaki ka at mga medals na nauuwi.. Pero bumawi ako ng college.. Isa ako sa mga favorite student ng mga prof ko kasi masipag ako mag-aral at hindi ako naabsent o nagka-cutting.. (naiisip ko kasi hirap ng erpats ko sa pagtatrabaho na tinitiis na hindi umuwi samin araw araw para lang makapag-aral ako)
Pero hindi ko natapos ang college.. Huminto ako dahil natukso akong magtrabaho.. Nung una trip ko lang.. Kaya bakasyon nag-apply ako sa call center.. Kasi feeling ko magaling ako mag-english.. Dahil part time tutor ako ng mga koreans nung nag-aaral ako.. Pakapalan lang ng muka.. Natanggap ako.. hanggang sa enrolment na, hindi ko na nagustuhan mag-enrol.. Nag-enjoy ako sa pera na sinsweldo ko.. Ang saya na nakakapagbigay ako kay Mom ng pera.. Yung naishashopping ko sia pag weekend at kung ano ano nabibili ko..
(nga pala, nung panahon na nag-aaply ako ng callcenter,nalaman ng mga lola at tita ko.. ika nila: "pano ka matatanggap don e hindi ka naman magaling mag-english")
Nagresign ako sa unang call center na pinasukan ko kasi gusto ko nang bumalik ng school.. Pero, nagkasakit si Pop.. kaylangan tumigil sa pagtatrabaho.. Yung dapat na pangtuition ko, pinanggastos sa bahay dahil nga wala nang trabaho si Pop.. Imbes na mag-enrol ako,, nag aply uli ako.. dahil alam ko, sa mga oras na yun, mas kailangan ako ng pamilya ko.. Dahil sa isang iglap, AKO NA ANG BREADWINNER..oO, nagtatrabaho ang kapatid ko.. pero hindi sapat kasi maliit lang sahod nia.. kalahati lang ng sinasahod ko sa call center. Kaya apply ako uli.. Naging okay si Pop kahit papano.. Nag-apply sia at nagtrabaho uli.. Pero nakita ko yung hirap sa bago niang pinasukan. Namayat siya, nangitim at lumalim ang mata.. Uuwi siang madungis ang damit at parang pagod na pagod.. Naawa ako.. Dinudurog ang puso ko sa nakikita ko.. Hindi ako sanay na ganon dahil ang pop ko, likas na malinis sa katawan,laging mabango, malaman siya at masayahin (kahit na madalas siang masungit pagnagdedesiplina). kaya ang sabi ko saknia, tumigil na siya sa pagtatrabaho.. Sa bahay nalang sila ni Mom at tutal, wala na namang nag-aaral.. Kaya ako, nagtyaga.. hanggang sa npromote ako at naging isang SUPERVISOR.. Nakaipon ako.. Nakapagpatayo kami ng tindahan namin.. Nabili ko ung pangarap ng pop ko na motor. At patuloy akong nakakatulong sa pamilya ko.. Pati na rin sa tita ko na naging tagapagtanggol ko..
Nag-iba ang ikot ng mundo. Yung mga tita at lola ko na nang-api nung bata ako, naghihirap na.. Nalugi ung mga bussiness nila at hikahos na rin ang buhay.. Mga namayat sila.. At mula nang mabalitaan nila ung ginhawa na buhay ng mga magulang ko dahil sa sipag at tyaga ko, ginagawa na nila akong role model sa mga pamangkin at pinsan kong nakababata sakin.. Pag dumadalaw kami sa dati naming lugar. iba na ung naririnig ko saknila.. Sasabihin na ng mga lola ko: "nandito na pala ang mga mayayaman e".. Tapos sinasabi nila sa mom&pop ko na: "mabuti pa kayo may mga anak na magaganda ang trabaho. Hindi niyo na kailangan magtrabaho pa. Ang sarap na nang buhay niyo." Dati rati, si mom ang pinakapayat.. Ngayon, ang layo ng katawan nia sa mga tita ko.. Dahil siya ang pinakamataba.. At ngayon, humihingi na sila ng tulong sakin. Sinasabi nila na malaki na pinagbago ko.. At pinupuri na nila ako.. Minsan natanong ko sa sarili ko kung naaalala pa kaya nila yung mga pinagsasasabi nila nung bata ako?? Yung tita ko na nang-api sakin nung nag-aaply ako sa callcenter, siyang nagpapatulong sakin ngayon na makapasok sa call center dahil bumagsak yung negosyo niang pautang at nagkaron siya ng breast cancer..
Masasabi kong proud ako dahil lahat ng ginawa nila sakin nung bata ako, naging sandata ko para itaguyod ko ang sarili ko at nakatulong yun para magsikap ako hindi lang para sa sarili ko kung hindi para sa pamilya ko.. Yung mairaos sila sa hirap ng buhay na dinanas nila para mabigyan lang kami ng magandang edukasyon..
Looking back on what&where we were before, sobrang layo na.. Lahat ng gusto ko nabibili ko na ngayon.. At higit pa sa tatlong beses ang pagkain namin.. Despite of what Ive been through, I learned a lot..
Bagamat inapi at nasaktan nila ako, hindi ko pa rin nakakalimutang lumingon sa pinanggalingan ko.. Hindi nila mababakas ang sakit na dinulot nila sakin dahil natutunan kong gawing positibo ang mga negatibong pangyayari.. Tinuro din ng ama ko na dapat patuloy ang pagrespeto sa mga taong kinatandaan mo, masama o mabuti man ang mga ito sayo..
Hindi kahirapan at masamang nakaraan ang dapat maging sagabal sa pag unlad ng tao.. dapat gawin nating kasangkapan yon para makamit natin ang mga pangarap natin.. PAST IS PAST..
Ika nga ni kuya kim: "ang buhay ay weather weather lang"
CIAONESS!
Bagong Blog, Bagong Istorya, Bagong Tauhan at Bagong Karakter na gagampanan ng mga "Secret Code"
Ako si Piggy..Hindi ko totoong pangalan.. 24 years old, taga Japan (base sa panaginip ko lang naman).. Babae ako at nakatira kasama ang aking Mamuy at Papot sa isang munting tahanan na mukang ewan lang..
Matagal na kong blogger.. Kaso ung blog ko dati ay puro kadramahan lamang at kung ikaw man ang makakabasa, isang malaking BORING at kaartehan ang mapapansin mo. Sa dati kong blog (na hindi ko na ina-update), feeling ko, hindi yun ang totoong ako.. dahil kailangan kong ilihim ang ibang pangyayari at kailangan kong mag-ingat sa mga salitang gagamitin ko dahil marami ang aking tagatangkilik ng blog na yun na kilala ako sa pagiging "good girl".. At yun ang dahilan kung bakit ako gumawa ng bagong blog..
Gusto ko nang ilahad ang lahat lahat na hindi na kailangan pang magtago ng totoong pangyayari.. tanging mga pangalan lamang ang aking babaguhin para hindi ko masira ang kanilang Dangal (kung meron man sila non..LOL)..
Sa totoo ang, hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang bagong blog na itu at pinag-isipan kong maigi.. Pero bago ang lahat, gusto ko lamang magpaalala:
Ang blog na ito ay ginawa hindi upang makasakit,magpatama o mang-asar ng kapwa.. Ang lahat ng aking ilalahad sa mga susunod na araw ay totoong pangyayari na walang halong kalokohan..Kung kayo ay maka-relate man, paumanhin.. hindi ko po yun sinasadya.. Destiny nio lang naman un.. (toinks)
Okay.. (hingang malalim).. umpisahan ko ang blog na ito sa..... whew! ang hirap mag-isip.. well, sa ngayon, ang mahalaga, nasimulan ko nang muli.. Magsisimula akong magkwento paunti-unti pag-kundisyon na ang aking utak.. Sa ngayon, pagod pa ko dahil galing trabaho..
Till next time...
Subscribe to:
Posts (Atom)