Wednesday, 22 January 2014



Isang magandang umaga at long time no blog.

Pasensya sa aking sarili dahil hindi ko man lang nabigyan ng panahon ang muling pagbablog. Hindi ko alam kung bakit. Minsan tinatamad o most of the time, nasa trabaho o tulog. Tamad na rin ako mag bukas ng laptop dahil wala na kong internet sa bahay at mas ginugusto kong gamitin ang cellphone na hindi ko naman magagamit sa blog.

Sandali at babasahin ko muna yung huling post ko para alam ko kung ano ang itutuloy ko.. (As if naman may  nagbabasa nitong blog na to.. LOL)

Well, naisipan ko na magblog uli dahil na rin sa nararamdaman ko ngayon.. Ang lagay e, magbablog lang ako pag may problema? wag ganon!..  pero dahil sa huling post ko na dadalawa lang naman, nakwento ko na kung sino ako at ano ang kinalakihan kong pamilya o kamag-anak pati ang  pag-aaral ko.. So ngayon, kekwento ko na ang naging buhay pag-ibig ko.. nakanang!.. pag-ibig sa tinubuang lupa..

Pano ba nagsimula tong lintsak na pag-ibig na to... Well, dahil sa pinagdaanan ko nung bata ako, naging strong personality ako to the point na para akong tomboy.. Hindi kasi ako naglalaro ng barbie o bahay bahayan.. Gusto ko ng laruan bola, sipa, dampa, mga garter garter etc.. siguro late bloomer ako at magha-highscool na ata ako nakahawak ng barbie.. Naputol ko pa nga yung ulo ng barbie ng bestfriend ko.. wahaha..

Well, ayun!.. pero nagkakacrush ako.. una kong crush ay itatago natin sa pangalang: HARRY..
(kamuka niya kasi si harry potter.. ang gwapo diba? taas ng standard ng lola niyo)..  Marami nagkakacrush sakniya. Nakilala ko siya dahil pamangkin siya nung teacher ng mga kababata ko. Nagkacrush ako sakaniya dahil ang ganda ganda din ng boses niya. Matalino, magaling mag-english at yun nga ang cute cute.. Pero syempre puppy love (background music: and they call it..... PUPPY LAAAAAAAHAAAAB)..  Lagi kami nagduduet non pag kumakanta tapos lagi namin kinakanta GREATEST LOVE OF ALL.. Tapos lagi kami nagtetelebabad.. haha.. tawag niya sakin LUVZ.. (nakanang LUVZ.. ang swet parang swet glands lang ang drama diba?) Kala ko first love ko yun.. first puppy love lang pala.. Dahil gwapo siya, babaero kaya un! nagseprate kami kasi may iba na siang nagustuhan.. Saka mayaman siya e.. SO aun!.. dedmakels..

Tapos maaga ako naglandi.. 1st year highschool ako, nahilig ako sa chat chat, saka sa text text.. I met this guy.. Lets name him: OONGAZ.. nickname niya lang yun. College na siya non at siya talga yung naging labidabs ko.. as in physical Boyfriend.. June 2 naging kami.. (O diba tanda ko pa?) LOlz.. Cute sia, chubby, mayaman din, matalino saka mabait.. Malambing din pero dahil ilang taon yung tanda niya sakin, maalam na siya sa buhay. Siya yung first kiss ko.. (ayiiii!) Madalas kami nagkikita non at nanonood kami ng sine.. Ang tyaga ng ungas na yon.. Taga Manila siya at every weekend pupuntahan niya ko sa Cavite para lang magdate kami tapos lagi siya may dalang stuff toy.. My friends like him kasi mabait at pati sila nililibre.. Number 1 fan ko siya dati kasi lagi niya ko sinusuportahan sa pagkanta ko.. Madalas kasi ako kumanta sa mga videoke sa malls.. ganon kakapal ang fezLak ko.. hahaha.. Ok naman kami. I feel loved at hindi naman siya mahilig sa babae.. Di siya babaero pero Mama's boy siya. Ako ang nakipagbreak sakniya dahil sa mababaw na dahilan.. Nagdate kasi kami non sa Megamall tapos sabi niya ihahatid niya ko pauwi sa Cavite kasi takot ako bumyahe non.. Pero nagtext yung Mama niya kaya yun! Hinatid niya ko sa sakayan lang. Pag uwi ko, tak tak tak tak sa celfone! BREAK!.. HAHAHA.. Ang saya diba? Muntanga lang..

Pero keri lang.. Busy din ako sa school non.. maaga ako lumandi pero matataas pa rin grades ko.. At pagkatapos non, I didnt expect that someone will come into my life and will change my World.. I met this guy thru text din.. textmate, friends, clans, mutual friends, eyeball, meet ups and all those stuff.. So lets call him: AW... pareho kami ng age at I wont forget him.. Siya siguro yung kinconsider ko na FIRST LOVE NEVER DIES. Hewan ko.. drama rama lang ang peg.. Well, ayun nga.. highschool palang kami, magkaibigan na kami till nagdate na kami. Si AW matangkad, chubby, mabait, maloko, mahilig magjoke, matalino din, mayaman din siya at higit sa lahat malambing. Sobrang sweet at laging ako yung naiisip niya sa lahat ng pagkakataon.. He was prioritizing me than to his family. He was a good boyfriend and somehow a bad one too.. Babaero din kasi siya at mahilig sumama sa barkada, uminom, gumala at magparty. Na hindi ko naman nakalakihan kaya ayun! madalas kami nag-aaway.. Kung pagiging boyfriend ang pag uusapan, Okay naman siya. Palagi siang nandon para tulungan, alalayan, damayan at mahalin ako. No question about it pero yun nga lang, hindi lahat ng relasyon perfect.. During that time, I thought na siya na ung makakasama ko habang buhay. Kasi marami siang sinacrifice sakin. Yung Singapore trip niya na tumaon ng Anniversary namin na pinili niyang makasama ako. At yung pag aaral nia. Para makasama niya ko, sumunod siya sa Course ko at sa School na pinasukan ko.

To cut the story short, our relationship ended after 5 and haf good years.. Reason? Third party on his side of cors.. I never cheat.. And I dont wanna do it.. I was so down and devastated. Parang hindi ko alam pano ako magmomove on. Nasanay ako na kasama siya, nasanay ako na lagi siang nagtetext, tumatawag at nag-aalala sakin. Kahit gago siya non, he will never forget his responsibilities as a boyfriend..

Dahil emo-emohan ang peg ko non,I worked hard for myself and for my family. All throughout the years, wala naman akong ibang naisip kung hindi siya. Pero dahil sakniya, natuto ako magpursige para ipamuka sakniya na yung taong iniwan niiya aangat pa sakniya. Hanggang sa mapromote ako.. :) I felt so lucky and happy but not contented. Because at the end of the day, before I go to sleep, I will always think of him.. And I didnt notice that I was like that for 3years. Hirap ako magmove on non grabe!.. drama dramahan palagi lalo pag Valentines.. echusera ang peg!

So aun, till I met this recent guy.. OO recent kasi eto na yung lablayp ko naun.. I will call him GEN. Hes different among the rest. Hes reserved, observant, di siya sweet pero cute siya muka siyang koreano e. Nagkacrush ako sakniya kasi magaling din siya kumanta at musically inclined. Matalino at may sense kausap. Pero yun nga lang, tahimik siya. At hindi siya sweet... 

TO BE CONTINUED...

No comments:

Post a Comment